Dahilan ng Pagtangkilik sa Teleseryeng Pilipino: Pananaliksik

A B S T R A K


Dahilan ng Pagtangkilik sa Teleseryeng Pilipino ng mga Piling Mag aaral sa Ika-11 Baitang ng Saint Augustine School – Mendez sa Taong Panuruan 2017-2018

 

    

    Sa kasalukuyang panahon, napakaraming Pilipino ang nahuhumaling sa panunuod ng teleserye at ilang teleserye na rin ang sobrang pumatok sa masa kaya napili ng mga mananaliksik na alamin ang dahilan ng pagtangkilik sa teleseryeng Pilipino ng mga piling mag aaral ng Saint Augustine School Mendez, Cavite na kasalukuyang nasa ika-11 baitang.

 

    Sa pananaliksik na ito ay ginamit ang deskriptibong disenyo upang ipakita ang detalyadong paglalahad ng kasalukuyang sitwasyon at upang mas maunawaan ng mga mananaliksik ang kanilang paksa. Talatanungan ang instrumentong ginamit sa pangangalap ng datos. Mayroong tatlumpung respondante ang pananaliksik na ito kung saan ginamit ang stratified sampling at simple random sampling upang malaman ang magiging respondante ng pag aaral.

 

    Sa kinalabasan ng pag aaral, mababatid na mayroong iba’t ibang dahilan ang mga mag aaral kung kaya’t tinatangkilik nila ang teleserye at isa na rito ang pagpapahalaga sa kulturang Pilipino. Sa kalahatan, tahasang maipapahayag na nananatili pa ring buhay ang teleseryeng Pilipino sa bawat isa.


larawan mula sa google.com

 (message the author/s for full manuscript)

Comments

Post a Comment

Popular Posts