Epekto ng Retention Policy: Pananaliksik
EPEKTO NG RETENTION POLICY SA MGA MAG-AARAL NA KUMUHUKA NG KURSONG BACHELOR OF SCIENCE IN ACCOUNTANCY
Marso 2020

Ang kursong accountancy ang isa sa sinasabing pinakamahirap na kurso kung saan
ay hindi masigurado ng isang mag aaral kung siya ay mananatili sa programa.
Dito ay kinakailangan ng masidhing pag-aaral, pag-unawa, at determinasyon upang
mas lalong maunawaan ang bawat aralin
at para na rin makapagtapos sa kursong ito. Ayon kay Dixon, ang pag-aaral ng Accounting ay nangangailangan ng
determinasyon, at pagsisikap dahil ito ay magbubunga din balang araw ng
katagumpayan. Sa kursong ito pinapatupad ang tinatawag nilang “retention
policy”.
Ang Retention
Policy ay hanay ng mga patnubay kung saan ang ilang paaralan ay sumunod sa
isang minimum na grado para sa mga
mag-aaral na kumukuha ng kursong accountancy
upang sila ay makatuntong sa susunod na antas. Ito rin ay may mahalagang
ganap sa industriya at ibang propesyon (Leavitt, 2007). Ayon sa mga ilang mag
aaral, ang pagpapatupad retention policy ay
parang isang paligsahan kung saan matitira lamang ang matitibay o kung tawagin
sa Ingles ay “survival of the fittest”.
Kinakailangan ng mga mag aaral ang matinding pokus at determinasyon kung
gugustuhin talaga nilang matapos ang kursong accountancy. Ito ang ilang mga paaralang nagpapatupad din ng retention policy para sa mga mag-aaral
ng accountancy: Rogationist College,
De La Salle University, Ateneo de Zamboanga at madami pang iba. Iisa lamang ang
layunin ng mga paaralang ito; upang makabuo ng mga topnotcher at mapataas ang porsiyento ng CPA Board Exam.
Isang pag-aaral ang ginawa ng mga
estudyante sa Pamantasan ng Silangan, Maynila noong Marso 2016 na nagbigay ng
sarbey-kwestyoneyr sa limangpung (50)
apilingn mag-aaral na kumukuha ng kursong BS Accountancy sa Pamantasan ng
Silangan, Maynila. Nasabi na kada semester
ay bumababa ang bilang ng mga estudyante sa programang BS Accountancy, sa kadahilanan na nawawala ang konsentrasyon ng mga
mag saaral dahil sa social media at
hindi na nakaka abot sa minimum na
grado na binigay ng paaralan.
Ang pag aaral na ito ay naglalayong malaman kung ano ang mga positibo at negatibong epekto ng retention policy at karanasan ng mga mag aaral na nasa programa ng BS Accountancy. Nais ding malaman ng mga mananaliksik kung papaano nabago ng mga mag aaral ang gawi ng pag-aaral nila dahil sa retention policy.
Comments
Post a Comment