Sanhi ng Malimit na Pagiging Huli sa Klase : Pananaliksik

A B S T R A K


Sanhi  ng  Malimit  na  Pagiging  Huli  sa  Klase  ng  mga Piling  Mag – aaral  ng  Saint Augustine School – Mendez  Junior  High School sa  Taong Panuruan 2017  –  2018. Isang pananaliksik na isinumete sa Senior High School Department ng Saint Augustine School, Mendez, Cavite. Marso 2018. 



    Sa patuloy na paglaon ng panahon, mas lumalala ang suliraning kinakaharap ng mga mag – aaral ukol sa pagpasok ng akma sa oras. Kaugnay nito, sa pangkalahatan, ang pananaliksik ay may layuning matukoy ang mga dahilan  ng malimit na pagkahuli sa klase ng mga piling mag- aaral ng Saint Augustine School – Mendez Junior High School sa Taong Panuruan 2017 – 2018.

 

    Ang mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong disenyo sa pag-aaral partikular ang talatanungan upang makalap ang mga kinakailangang datos. Ang mga respondente ay binubuo ng 30 mag – aaral na malimit mahuli sa takdang oras ng pagpasok at magmumula sa baitang pito hanggang sampu ng Saint Augustine School – Mendez, Taong Panuruan 2017-2018. Gumamit ang mga mananaliksik ng stratified sampling na sistema para sa pagpili ng mga respondente gayundin ang sapalarang pipili ng mga respondante mula sa kanilang populasyon. Ginamit ang minodipikang sarbey kwestyoneyr sa anyong tseklist mula sa Department of Psychology, College of Education, King Saud University, Riyadh, Saudi, Arabia (2014). Gumamit ng Frequency Distribution Table (FDT), pie chart, at bar graph para sa presentasyon at interpretasyon ng mga datos.


    Sa pamamagitan ng masusing pag – aanalisa sa mga tugon, ang pagpupuyat ang pangunahing sanhi ng tardiness ng lahat ng mag – aaral. Ayon sa mga nakalap na impormasyon, mabubuo ang implikasyon na ang bawat mag – aaral ay may kani – kaniyang dahilan sa hindi pagpasok sa takdang oras. 



(message the author/s for complete manuscript)
(photo from google.com)

Comments

Popular Posts