Teknolohiya : Tekstong Argumentatibo
Sa
pagdaan ng panahon, mapapansin ang pag-unlad ng ating bansa dahil sa
modernisasyon. Dito sumibol ang teknolohiyang nagbigay daan sa mas madaling
pamumuhay na ating tinatamasa sa kasalukuyan.
Sa teknolohiya nabuo ang internet at social media kung saan ito ay
tinatangkilik ng bawat isa. Cellphones, computer, laptop, at iba pang gadgets
ay nagmula sa teknolohiya na ginagamitan ng internet upang maging konektado sa
social media. Ginagamit na ito saan mang dako sa mundo dahil sa kahalagahang
dulot nito sa bawat isa lalo na sa mga kabataan.
Sa
kasalukuyang panahon, malaki ang nagagawa ng teknolohiya sa iba’t ibang
larangan gaya ng pagbibigay ng impormasyon, pag uugnay sa bawat isa,
pagpapadali ng mga gawain at iba pa. Isa na ang gadgets na tumutulong sa bawat
isa sa kanilang pamumuhay. Ang dating type writer na gamit sa paggawa ng sulat
ay naging computer kung saan mas napapabilis ang paggawa ng mga sulat at iba
pa. Ang dating pagsulat ng liham sa taong malayo sa atin ay mas napadali ng
maimbento ang internet kung saan ay mas nagagamit ang mga gadgets upang makipag
ugnayan sa mga taong nasa malayong lugar dahil sa mga apps na Skype, Facebook,
at iba pa na tinatawag na social media. Ang iba pang apps na ginagamitan ng
internet gaya ng Google ay higit ring nakatulong sa bawat isa higit sa mag
aaral sa pagkalap ng impormasyon. Nagkaroon din ng mga apps na laro na lubos na
nakapagbigay aliw sa bawat isa. Malaki ang naitulong ng teknolohiya sa bawat
isa ngunit naisip din ba natin ang masamang epekto nito?
Hindi
makakailang ang bawat isa ay kailangan na ang internet lalong lalo na ang mga
kabataan. Ayon sa pinakahuling ulat ng Internet
and Mobile Marketing Association of the Philippines (IMMAP), isa sa tatlong
Pilipino ang gumagamit ng internet. Sa taong ito, naitalang mahigit 38 milyong
Pilipino ang gumagamit ng internet. Karamihan sa mga ito ay kabataan nasa edad
30 pababa. Ang mga kabataang ito ang higit na gumagamit ng kanilang mga gadgets
na kung minsan ay nagdudulot ng pagkababad ng mga ito dahil sa kagustuhang
maging “in” sa social media. Ang sobrang paggamit nito ay may masamang epekto
rin sa bawat isa gaya na lamang sa kalusugan. Napapabayan ng mga tao ang
kanilang kalusugan dahil sa labis na paggamit ng internet na nagiging sanhi ng
sakit. Ayon sa doktor, inilabas sa isang pag-aaral na 30% ng mga madalas
gumamit ng mga gadget ang nagiging obese o sobra sa timbang. Kalaunan, maaari
itong magdulot ng stroke, high blood, o heart attack. Dahil din hindi na aktibo
sa paglalaro o paggawa ng iba pang physical activities, nagiging sobra sa
timbang ang bata. Ang pag-aaral din ay isa pa sa
naaapektuhan ng labis na paggamit ng teknolohiya dahil nawawalan ng oras ang
mga kabataang mag aral dahil sa paglalaro o iba pang gawain gamit ang
teknolohiya. Sa pag-aaral ng grupong Play Pilipinas, lumitaw umano na 18
percent ng nilalaro ng kabataan ngayon kapag may pasok at 29 percent
tuwing weekend ay mga modern games o mga laro gamit ang bagong teknolohiya.
Nagiging dahilan din ito ng katamaran ng mga mag aaral dahil nga ay madali ng
gumawa ng mga takdang aralin at iba pa sa paghahanap lamang sa internet kaya’t
mas binibigyang halaga ang paglalaro. Dahil dito, bumabagsak ang mga mag aaral
sa paaralan at kinakailangang umulit muli. Ang sobrang paggamit din ng
teknolohiya ay maaaring makaapekto sa pakikitungo sa ibang tao. Ayon sa DSWD,
posibleng gayahin ng mga bata ang mga ginagawa ng mga character sa mga online
games. Mapanganib din sa mga bata ang paglalaro ng mga marahas na internet
games lalo na’t nasa developmental stage pa lamang ang isang bata. Ayon pa sa
DSWD, posible ring magtulak sa isang bata na magnakaw para lamang makapaglaro
sa internet shop.
Ilan lamang ito sa masamang epekto ng labis na paggamit ng teknolohiya sa
bawat isa lalo na sa mga kabataan. Hindi matatawaran ang magandang naidulot ng
teknolohiya sa ating pamumuhay ngunit dapat ding isaalang alang ang tamang
paggamit nito upang hindi humantong sa problema. Inirerekomenda ng American Academy of Pediatrics na huwag ipagamit ang
mga gadget sa mga batang may edad 0-2 years old. Maaari namang ipagamit ito sa
mga edad 3-5 nang hanggang isang oras kada araw. Hanggang dalawang oras naman
kada araw para sa mga edad 6 hanggang 18. Payo ni Reysio-Cruz, kapag inalis ang
gadget mula sa bata, mainam na bigyan ng ibang aktibidad na ipapalit dito,
tulad ng paglalaro ng sports o kaya nama'y hikayatin ang batang magbasa at
matuto sa sining gaya ng pagguhit o pagpinta. Payo naman ng DSWD, kung gustong
pagbigyan ang mga bata na gumamit ng mga gadget, magdownload na lamang ng mga
application na maaaring makatulong sa paglinang ng kaisipan ng mga bata gaya ng
mga instruction sa pagbabasa. Kailangan ding bantayan ang oras sa paglalaro
nito at limitahan ang mga bata sa pagpapagamit sa mga gadget.
Hindi masama na gumamit ng mga teknolohiyang ito kung ito naman ay may magandang intensyon. Tandaan sana ng bawat isa sa atin lalo na tayong mga kabataan na may limitasyon sa paggamit nito. Pahalagahan natin ang naitutulong nito sa ating pamumuhay at huwag abusuhin ang paggamit nito. Mas ilaan ang oras sa ating pamilya at sa mga larong nakatutulong sa ating kalusugan gaya ng mga larong pinoy dahil ito ang mas nagbibigay ng saya sa atin mapa pisikal, mental o emosyon man. Huwag ding kalimutan na noong unang panahon na hindi uso ang internet at social media ay naging masaya at payak ang pamumuhay ng mga tao noon kaya’t malalasap din natin ang masaya at payapang buhay kung may limitasyon sa paggamit ng teknolohiya. Gamitin ito sa pag unlad, hindi sa pagbagsak!
Para sa pagpapalalim, panoori ito:
Sanggunian:
Comments
Post a Comment